Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

P A B A T I D

Kamay-ari!

Mariing kinokondena ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) ang walang pahintulot na paggamit sa pangalan at larawan ng mga totoong PalaweΓ±o upang magpakalat ng mga peke at mapanirang pahayag ukol sa Kooperatiba at mga opisyales nito.

Kasabay ito ng patuloy pa ring pagpapakalat ng mga huwad, mapanlinlang na impormasyon at mapanirang mga pahayag ng mga dummy account sa Facebook group na BANTAY PALECO.

Samantala, pinasinungalingan naman nina Punong Barangay Evangeline C. Aquino ng Maningning, Punong Barangay Junari G. Pinto ng Princesa, Punong Barangay Francisco “Cocoy” Gabuco ng San Pedro at G. Salvador “Buddy” Tinay na isang mamamahayag ang nasabing mga pahayag sa pamamagitan ng kanilang personal na Facebook accounts.

Dagdag pa rito, pinabulaan din nina Punong Barangay Andres D. Baaco III ng Masigla, Engr. Cesar Javarez at G. Epitacio “Jie” Lao, Jr. (sa pamamagitan ng pakikipag usap sa mga kawani ng Paleco) na sila ay nagbigay ng kanilang pahintulot na gamitin ang kanilang pangalan at larawan sa nagmamay-ari ng dummy account na GEORGE REMOJO o nagbigay ng anumang pahayag para i-paskil sa BANTAY PALECO.

Muli ay pinaalalahanan ng pamunuan ng Paleco ang mga kasapi at consumer nito na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media at mag-ingat sa mga pinanggagalingan ng mga ito.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com