
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PABATID: DISTRICT II ELECTION

DISTRICT II ELECTION
(Barangays Mandaragat, San Miguel, San Pedro, San Manuel
and San Jose of Puerto Princesa City)
Nakatakdang halalan – March 18, 2023
Pagkatapos ng masusing pagsusuri ng mga dokumentong isinumite ng tatlong (3) kandidato sa District II election, nagpalabas ng desisyon ang Screening Committee noong ika-9 ng Marso na ang mga ito ay DISQUALIFIED para tumakbong miyembro ng PALECO Board of Directors (BODs).
Ang nasabing desisyon ay maaari pang i-protesta ng mga kandidato sa Screening Committee at i-apela sa National Electrification Administration (NEA). Kaugnay nito, muling magpapalabas ang PALECO ng update sa nasabing eleksyon.
Para sa karagdagang kaalaman, manatiling nakaantabay sa official Facebook page ng PALECO at sa official website nito na www.paleco.net.