Palawan Electric Cooperative

PAALALA
LUBOS NA 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 ANG MGA SUMUSUNOD NA GAWAIN ALINSUNOD SA RA 7832
(𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘌𝘭𝘦𝘤𝘵𝘳𝘪𝘤𝘪𝘵𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘌𝘭𝘦𝘤𝘵𝘳𝘪𝘤 𝘛𝘳𝘢𝘯𝘴𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘓𝘪𝘯𝘦𝘴/𝘔𝘢𝘵𝘦𝘳𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘗𝘪𝘭𝘧𝘦𝘳𝘢𝘨𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘰𝘧 1994)

• Hindi awtorisadong pagkonekta sa anumang pasilidad ng Paleco upang magkaroon ng kuryente;
• Pagkonekta sa mga pasilidad ng mga lehitimong konsumidores ng Kooperatiba nang walang pahintulot mula sa konsumidor at Paleco;
• Pangingialam o paggamit ng kahit anong aparato na may layuning mabago ang katumpakan ng mga 𝘬𝘞𝘩 𝘮𝘦𝘵𝘦𝘳 ng Paleco;
• Pagsira ng mga 𝘬𝘞𝘩 𝘮𝘦𝘵𝘦𝘳, linya o anumang kasangkapan ng Paleco upang mabago ang katumpakan ng mga 𝘬𝘞𝘩 𝘮𝘦𝘵𝘦𝘳 ng Paleco; at
• Pagtanggap ng benepisyo dulot ng mga nasabing gawain.

Ang mga nasabing gawain ay nagdudulot ng pagtaas ng 𝘥𝘪𝘴𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘴𝘺𝘴𝘵𝘦𝘮 𝘭𝘰𝘴𝘴.

𝐌𝐀𝐆𝐒𝐔𝐌𝐁𝐎𝐍𝐆!
Pumunta sa pinakamalapit na opisina ng Paleco o kaya nama’y mag-𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 sa 𝐢𝐧𝐟𝐨.𝐩𝐚𝐥𝐞𝐜𝐨@𝐠𝐦𝐚𝐢𝐥.𝐜𝐨𝐦. 𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐔𝐘𝐀 ang sinumang magbibigay ng impormasyon na makakatulong upang mahuli ang mga salarin. Aming sinisigurong hindi ipagbibigay alam sa publiko ang inyong pagkakakilanlan.

KAPARUSAHAN SA MGA MAHUHULING LUMALABAG SA RA 7832

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐊𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆
6 na taon at 1 araw hanggang 12 taon

𝐌𝐔𝐋𝐓𝐀
P10,000.00 hanggang P20,000.00

𝐃𝐈𝐅𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐓𝐈𝐀𝐋 𝐁𝐈𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆
Pagsingil ng halagang katumbas ng nanakaw na kuryente hanggang 60 buwan.

Ang mga kawani ng Paleco na mapapatunayang sangkot sa mga nasabing illegal na gawain ay maaari ring makulong ng hindi bababa sa 𝟏𝟐 𝐭𝐚𝐨𝐧, matatanggal sa trabaho at hindi na maaaring pumasok sa mga pampubliko o pribadong 𝘶𝘵𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 o 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com