Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

ORIENTATION PARA SA PAGPAPATUPAD NG POLE LEASE AGREEMENT AT REPUBLIC ACT NO. 11361

TINGNAN:
 
Nagsagawa ng isang orientation ang Palawan Electric Cooperative (Paleco) para sa pagpapatupad ng Pole Lease Agreement at Republic Act No. 11361 (“Anti-Obstruction of Power Lines Act”) noong ika-18 ng Oktubre sa Bambu Suites, Brgy. San Pedro, Lungsod ng Puerto Princesa.
 
Dumalo ang mga telecommunication company at iba pang mga kompanya na nagrerenta at nagkakabit ng mga kable sa mga poste ng Paleco.
 
Layunin ng gawaing ito na mapaalala ang mga alituntunin na dapat sundin at obligasyon ng bawat isa alinsunod sa Standard Joint Pole Agreement ng National Electrification Administration (NEA) at RA 11361.
 
Naging pagkakataon ito upang mapag-usapan ang mga suliraning kinahaharap dulot ng mga kable na nakabit sa poste ng Paleco na hindi na akma sa tamang taas at posible ng magdulot ng kapahamakan. Pinag-usapan din ang mga pamamaraan upang mapabilis ang komunikasyon hinggil sa mga kable na dapat agarang maalis o ilipat dahil sa malawakang pole relocation na kasalukuyang isinagawa ng Paleco.
 
Hangad rin ng nasabing gawain na magtulungan ang bawat isa upang mapanatili na malinis ang paligid ng linya ng kuryente at kaayusan ng mga kable na nakabit sa poste ng Paleco.
Ilan sa dumalo ay mga kawani mula sa PLDT, Inc., Globe Telecom, Inc., DITO Telecommunity Corporation, Converge ICT Solutions, Inc. at Palawan State University.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com