"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
OPERATION BAKLAS BAGING
Upang masiguro ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa mga member-consumer nito, partikular na sa Lungsod ng Puerto Princesa, bumuo ang Area Central Operations Department (ACOD) ng isang grupo ng mga lineman at iba pang mga kawani ng Kooperatiba na umiikot upang magtanggal ng mga gumagapang na halaman sa mga poste at linya ng kuryente na tinawag na Operation Baklas Baging.
Nagsimula ang nasabing operation noong ika-26 ng Hunyo kung saan kanilang naikot ang mga lugar na sakop ng San Jose Circuit, Macasaet Recloser at GMA Circuit. Kasalukuyang naman nilang iniikot para sa nasabing gawain ang mga lugar na sakop ng Poblacion at Lacsamana Circuit.
Liban sa nasabing gawain, ang nasabing grupo ay nagsusumite rin ng field observation report na naglalaman naman ng mga nakita nilang problema sa kanilang pag-iikot tulad ng sirang metro, nakatagalid o sirang poste, highly vegetated areas na kinakailangan ng pagsasagawa ng line clearing activity at iba pa na kanila namang ipapaalam sa akmang departamento upang agad na mabigyang aksyon.
Samantala, pinag-aaralan din ang pagsasagawa ng permanenteng solusyon, tulad ng paggamit ng herbicide, laban sa mga nasabing gumagapang na halaman.