"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
OFFICIAL LONE CANDIDATE FOR MEMBER OF THE BOARD OF DIRECTORS (DISTRICT IX) - DECEMBER 17
Kamay-ari!
Sa December 17 na ang eleksyon para sa Board of Directors ng District IX na binubuo ng Munisipyo ng Quezon at Rizal.
Mayroon lamang isang qualified candidate sa katauhan ni G. Angelo G. Nierva.
Ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code, sa kaso na tanging iisa ang nag-qualify bilang kandidato, isang boto lamang ang kanyang kinakailangan upang maideklara siyang panalo.
Subalit, inaanyayahan pa rin ang lahat ng miyembro ng ating Kooperatiba mula sa District IX na bumoto.
Gaganapin ang eleksyon sa isang presinto lamang at ito ay sa Barangay Hall ng Brgy. Poblacion, Quezon mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
Paalala lamang na hindi pinapayagan ang proxy voting at magdala ng isang (1) valid ID.
Magkita-kita po tayo sa December 17!