Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

NAIS MO BANG IPALIPAT SA IYONG PANGALAN ANG IYONG GINAGAMIT NA SERVICE CONNECTION SA PALECO?

Nais mo bang ipalipat sa iyong pangalan ang iyong ginagamit na service connection sa Paleco?
 
1. Ipasa ang mga required na dokumento.
Narito ang mga kailangang ipasang dokumento depende sa sitwasyon:
A. Pumanaw ang asawa na miyembro ng Paleco at nais ipalipat sa asawa
• Marriage contract; at
• Death certificate ng dating miyembro
B. Pumanaw ang asawa na miyembro ng Paleco at nais ipalipat sa anak
• Notaryadong Waiver of Rights na pirmado ng asawa ng yumaong miyembro; at
• Birth certificate ng anak na paglilipatan ng membership
C. Pumanaw ang parehong magulang kung saan ang isa ay siyang miyembro ng Paleco
• Kung nag-iisang anak ang paglilipatan ng membership, kailangan lamang ng birth certificate nito at death certificate ng parehong magulang;
• Kung may mga kapatid, kailangang magsumite ng notaryadong Waiver of Rights na pirmado ng lahat ng legitimate children ng yumaong miyembro at kopya ng kanilang valid ID
D. Nakabili ng bahay at lupang mayroon ng service connection sa Paleco
• Notaryadong Waiver of Rights na pirmado ng dating may-ari ng bahay o gusali;
• Kopya ng valid ID ng dating may-ari ng bahay o gusali; at
• Deed of Sale o Memorandum of Agreement/Contract
E. Iba pang dahilan
• Notaryadong Waiver of Rights na pirmado ng dating may-ari at kopya ng valid ID nito; o kaya nama’y
• Affidavit para sa special cases
 
2. Punan at isumite rin sa pinakamalapit na opisina ng Paleco ang mga sumusunod:
• Request for Change of Name Form
• Application for Membership and Electric Service Connection
• kWh Meter Installation Agreement
• Membership Subscription Agreement
• Kopya ng Valid ID tulad ng mga sumusunod:
o Passport
o Driver’s License
o PRC ID
o NBI/Police Clearance
o Postal ID
o Voter’s ID
o SSS/GSIS ID
o UMID ID
o National ID
 
3. Maaari nang simulan ang proseso upang makapag-secure ng inyong Billing Clearance. Magtungo lamang sa Area Consumer Accounts Division para rito.
 
4. Siguraduhin ding makapagpalista para sa Pre-Membership Education Seminar (PMES) na ginaganap tuwing araw ng Huwebes ng alas dyes ng umaga (10:00 AM) sa lahat ng tanggapan ng PALECO maliban sa munisipyo ng Roxas at Cuyo na isinasagawa tuwing alas dos ng hapon (2:00 PM) sa parehong araw. Kunin ang patunay na ikaw ay nakadalo nito.
 
5. Bayaran ang mga sumusunod:
• Utang o halaga ng hindi pa bayad na kuryenteng nakapangalan sa inyo;
• Membership Fee – P100.00
• Share Capital (applicable only for cases nos. 4 and 5) – P1,200.00
• Transfer Fee – P224.00
• Membership ID at Certificate – P84.00
• Bill Deposit (kung temporary permit lamang ang ginamit sa service connection ng dating may-ari) na katumbas ng inyong estimated na konsumo para sa isang buwan ayon sa inyong electrical plan o schedule of load
 
MAHALAGANG PAALALA: Kailangang dalhin ang mga dokumentong isinusumite para sa new connection kung temporary permit lamang ang ginamit sa service connection ng dating may-ari.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com