"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
NAIHALAL BILANG BAGONG MIYEMBRO NG BOARD OF DIRECTORS NG PALECO PARA SA DISTRICT IV SI G. RAUL M. TIMBANCAYA
Naihalal bilang bagong myembro ng Board of Directors ng PALECO para sa District IV si G. Raul M. Timbancaya.
Ang District IV ay binubuo ng mga Southern Barangays ng Lungsod ng Puerto Princesa kabilang ang Barangays Tiniguiban, Sta. Monica, Sicsican, Irawan, Iwahig, Montible, Sta. Lucia, Luzviminda, Mangingisda at Napsan.
Bagama’t ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code na sa kasong iisa ang nag qualify bilang kandidato, sapat na ang isang boto upang maideklara itong panalo, nakakuha pa rin ng 28 boto si G. Timbancaya.
Idinaos ang eleksyon sa Brgy. Sta. Monica Covered Gymnasium mula kaninang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.