Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

NAGSAGAWA NG ISANG HIGH SCHOOL SYMPOSIUM ANG PALECO SA SJNHS NGAYONG ARAW, IKA-21 NG HUNYO

Humigi’t-kumulang isang daang (100) Grade 12 students, na anak ng mga miyembro ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), ang dumalo sa idinaos na High School Symposium sa San Jose National High School (SJNHS) ngayong araw, ika-21 ng Hunyo.
 
Isinagawa ang nasabing symposium upang magbigay kaalaman sa mga estudyante ukol sa mga dahilan ng blackout, mga gawain patungkol sa pagtitipid ng kuryente at mga dapat tandaan upang manatiling ligtas sa paggamit ng kuryente. Dagdag pa rito, dala rin ng mga kawani ng Kooperatiba ang mga impormasyon patungkol sa Scholarship Program ng PALECO na muli nanamang bubuksan sa mga susunod na buwan para sa Academic Year 2023-2024.
 
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng PALECO sa SJNHS sa pangunguna ni Gng. Gemma V. Manlavi, Punong-guro ng nasabing paaralan, sa mga guro nito at sa mga estudyanteng dumalo.
 
Samantala, isang high school symposium din ang nakatakdang idaos sa Palawan National School (PNS) sa darating na ika-26 ng Hunyo.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com