Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

NAGSAGAWA NG ISANG HIGH SCHOOL SYMPOSIUM ANG PALECO SA PNS NGAYONG ARAW, IKA-26 NG HUNYO

Humigi’t-kumulang dalawang daang (200) Grade 12 students, na anak ng mga miyembro ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), ang dumalo sa idinaos na High School Symposium sa Palawan National School Gymnasium ngayong araw, ika-26 ng Hunyo.
 
Isinagawa ang nasabing symposium upang magbigay kaalaman sa mga estudyante ukol sa mga dahilan ng blackout, mga gawain patungkol sa pagtitipid ng kuryente at mga dapat tandaan upang manatiling ligtas sa paggamit ng kuryente. Dagdag pa rito, dala rin ng mga kawani ng Kooperatiba ang mga impormasyon patungkol sa Scholarship Program ng PALECO na muli nanamang bubuksan sa mga susunod na buwan para sa Academic Year 2023-2024.
Aktibong sinagot ng mga dumalong estudyante ang mga tanong na ibinigay ng mga kawani ng Kooperatiba.
 
Nakapagbigay din ang Kooperatiba ng munting regalo para sa eskwelahan na tinanggap naman ni G. Enrile Abrigo, Senior School Head ng HUMSS Department, na nagsilbing kinatawan ni Dr. Dennis M. Lucas, Officer-In-Charge ng nasabing paaralan.
 
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng PALECO sa pamunuan ng PNS, sa mga guro nito at sa mga estudyanteng dumalo.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com