"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
Naihalal bilang bagong miyembro ng Board of Directors (BODs) ng PALECO para sa District X si Gng. Cherry Ann D. Acosta.
Ang District X ay binubuo ng Munisipyo ng Roxas, Dumaran, Araceli at Cagayancillo.
Bagaman ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code na sa kasong iisa ang nag qualify bilang kandidato, sapat na ang isang boto upang maideklara itong panalo, nakakuha pa rin ng 15 boto si Gng. Acosta.
Idinaos ang eleksyon sa PALECO Roxas Satellite Office mula kaninang 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Nagsilbing Chairman ng Election Committee/District Election Committee (DECOM) si Gng. Phebe A. Capague samantalang nagsilbing Secretary naman si Bb. Mares Vily B. Bajar at Member si Gng Esther P. Conde.