Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

MGA PATAKARAN PARA SA IKA-42 NA TAUNANG PANGKALAHATANG PAGPUPULONG NG PALECO

Mga Patakaran para sa ika-42 na Taunang Pangkalahatang Pagpupulong ng Paleco

Upang masiguro ang kaayusan ng ating pagpupulong, pakisuyong sundin ang mga sumusunod:

1. Bawal ang PROXY. Siguraduhing may dalang valid ID upang mapadali ang inyong rehistrasyon.
2. Ipinagbabawal ang pagpasok sa mga venue ng mga delikadong kagamitan (tulad ng armas, matutulis na bagay,
kutsilyo, megaphone at iba pa) na maaaring makapagdulot ng pinsala o kaya nama’y kaguluhan.
3. Sundin ang mga itinakdang oras sa bawat bahagi ng pagpupulong.
4. Sundan ang Robert’s Rule of Order para sa wastong pamamaraan ng pagpupulong (parliamentary procedure).
5. Igalang ang bawat isa. Magtaas ng kamay kapag may nais sabihin at hintaying kilalanin ng Tagapangulo bago magsalita. Panatilihin ding propesyunal ang tono at huwag gumamit ng mga salitang hindi kaaya-aya o nagpapakita ng kawalang-galang.
6. Siguruhing naayon sa paksa ang mga sasabihin. Ang mga walang kaugnayang bagay ay hindi pag uusapan sa pagpupulong.

Maaari kayong magsumite ng inyong mga katanungan sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na kalakip ng post na ito o kaya nama’y magtungo lamang sa tinyurl.com/QuestionsforPalecoAGMA2024:

Samantala, ang mga isyu na hindi matatalakay sa araw ng pagpupulong dahil sa kakulangan ng oras o nangangailangan ng karagdagang pagsusuri ay isasangguni sa angkop na departamento, komite o lupon para sa kalutasan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com