Mga kawani ng Paleco nagtungo sa Oriental Mindoro upang sumali sa MIMAROPA Region Lineman Rodeo Competition
TINGNAN:
Mga kawani ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) nagtungo sa Oriental Mindoro upang sumali sa MIMAROPA Region Lineman Rodeo Competition na isasagawa simula ngayong araw hanggang bukas, ika-30 hanggang ika-31 ng Enero.
Layunin ng nasabing gawain na mahasa ang kasanayan ng mga dumalo, mapatatag ang samahan sa pagitan ng mga electric cooperative sa Region 4-B at upang paghandaan ang mga gaganaping regional at national competition.
Sina Engr. Rey S. Lagan, Engr. Jan Trece R. Palanca, Engr. John Paul S. Cuering, G. Emmanual Ablan, G. Recto Belvis, G. Ermie Gardose, G. Jerick Dagot, G. Juhaiver Mamailao, G. Reymond Lutas, G. Frank Carlos Puno, G. Michael Toling at G. Brian Bagood ang siyang napiling kinatawan ng Kooperatiba.
Kabilang sa mga larangan ng kompetisyon ay ang mga sumusunod:
• Pole Climbing
• Pole Dressing & Undressing
• Conductor Riding
• Knot Tying
• Spine Board Bandaging
• Rodeo King Showdown
Dumalo rin sa nasabing rodeo competition ang mga kawani mula Busuanga Island Electric Cooperative, Inc. (Biselco), Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (Omeco), Oriental Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (Ormeco) na siya ring sponsor ng nasabing gawain, Marinduque Electric Cooperative, Inc. (Marelco), Romblon Electric Cooperative, Inc. (Romelco) at Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (Tielco).
- Share to Facebook