"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
MEMBERS IN GOOD STANDINGMEMBERS ENTITLE TO VOTE
Nalalapit na ang ating ika-41 Annual General Assembly Meeting (AGAM).
Alinsunod sa Section 7, Article III ng PALECO By-Laws, upang matagumpay na maidaos ang isang general assembly meeting, kinakailangang dumalo ang 5 % ng Members Entitled to Vote upang magkaroon ng quorum.
Dagdag pa rito, tanging ang Members in Good Standing/Members Entitled to Vote lamang ang maaaring makiisa sa deliberasyon at botohan sa mga usaping ihahain sa nasabing pagpupulong.
Tanging ang Members in Good Standing/Members Entitled to Vote din lamang ang maaaring tumakbo at bumoto sa halalan para sa mga nais maging miyembro ng Election at Audit Committee.
Kaya naman, buwanang maglalabas ang Pamunuan ng PALECO ng listahan ng Members in Good Standing/Members Entitled to Vote upang magkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng Kooperatiba na wala sa nasabing listahan upang maisaayos ang kanilang status.
Narito ang link ng listahan ng Members in Good Standing/Members Entitled to Vote as of January 2023:
https://tinyurl.com/January2023MIGS
Upang maituring na Member in Good Standing/Member Entitled to Vote, kinakailangan lamang na:
1. Walang pagkakautang sa Kooperatiba;
2. Hindi nahuling nagnanakaw ng kuryente;
3. Hindi tinanggal bilang miyembro ng PALECO Board of Directors (BODs) o bilang kawani ng PALECO;
4. Nakapag bayad ng at least P 300.00 na saping-puhunan;
5. Patuloy na tumatangkilik sa serbisyo ng Kooperatiba; at
6. Hindi naputulan ng kuryente ng isang taon o higit pa.
Manatiling naka antabay sa www.facebook.com/palawanelectriccoop o sa www.paleco.net para sa karagdagang impormasyon patungkol sa nalalapit na ika-41 Annual General Assembly Meeting.