
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
MEAT PROCESSING LIVELIHOOD PROGRAM FOR DISTRICT I
Kasalukuyang isinasagawa ang 3-day Meat Processing NC II Course bilang Livelihood Program ng PALECO para mga Member Consumer Owners (MCOs) nito sa District 1 na binubuo ng Puerto Princesa City Poblacion Barangays. Ito ay ginaganap sa APEC Building, PALECO Compound.
Paggawa ng tocino, longganisa at iba pang processed meat ang matutunan sa nasabing kurso. Ito ay dinadaluhan ng may 25 MCOs mula sa iba’t ibang barangay sa District 1. Kasama rin sa partisipante ang kasalukuyang kinatawan ng mga miyembro nasabing distrito na si Director Maylene D. Ballares.
Ang gawain ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng kooperatiba sa TESDA. Layon nito na mabigyan ng kaalaman at oportunidad ang mga dumalo upang maiangat ang kanilang buhay.
Magpapatuloy ang pagsasakatuparan ng mga livelihood program sa lahat ng Distrito ng PALECO sa mga susunod na buwan.