Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

MATAGUMPAY NA PAGDARAOS NG MCO DAY 2023 NG PALECO KAHAPON, IKA-23 NG OKTUBRE

Kaugnay ng selebrasyon ng Cooperative Month 2023 ay matagumpay na naidaos ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang Member-Consumer-Owner (MCO) Day kahapon, ika-23 ng Oktubre, sa main office nito sa Lungsod ng Puerto Princesa at sa mga Satellite Office nito sa Munisipyo ng Aborlan, Narra, Brooke’s Point, Quezon, Rizal, Roxas, Taytay, San Vicente, Araceli, Cagayancillo at El Nido.
 
May kabuuang bilang na 2000 MCOs ang napamahagian ng Kooperatiba ng grocery pack sa lahat ng nabanggit na opisina. Samantala, nagkaroon din ng libreng gupit para sa mga MCO.
Nagkaroon din ng medical, dental at optical mission sa PALECO Main Office kung saan 238 na MCO ang nakapagpa check up, humigit-kumulang 200 MCO ang nakapagpatingin ng kanilang mga mata at nabigyan ng libreng salamin at 37 MCO ang nakapag pabunot ng ngipin.
Gaganapin naman ang MCO Day (libreng gupit at gift-giving ng grocery packs) sa Cuyo Satellite Office sa darating na ika-27 ng Oktubre.
 
Liban sa selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba, ang nasabing gawain ay pagtupad din sa Social Development Plan para sa taong 2023 ng PALECO.
 
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng PALECO sa lahat ng nakiisang MCO nito at sa lahat ng mga naging katuwang ng Kooperatiba upang isakatuparan ang nasabing gawain.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com