Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

MGA KAWANI NG PALECO MULA SA AREA CENTRAL OPERATIONS DEPARTMENT (ACOD), AREA NORTH OPERATIONS DEPARTMENT (ANOD) AT AREA SOUTH OPERATIONS DEPARTMENT (ASOD), SABAYANG MAGSASAGAWA NG TARABIANGAN/BAYANIHAN PROGRAM (MASSIVE LINE CLEARING) ACTIVITY BUKAS, IKA-25 NG MARSO, MULA 8:00 NG UMAGA HANGGANG 12:00 NG TANGHALI

Matapos ang naging matagumpay na Tarabiangan/Bayanihan Program (massive line clearing) activity sa Brgy. Bancao-Bancao, sa Lungsod ng Puerto Princesa kung saan may humigit kumulang apat (4) na kilometrong linya ang nalinis ng mga Kawani ng PALECO noong ika-18 ng Marso, ay napili naman ang mga sumusunod na lugar upang pagdausan ng nasabing gawain bukas, ika-25 ng Marso, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali:
 
Area Central (City of Puerto Princesa)
Brgy. Macarascas to Brgy. Buenavista
Area North (Northern Municipalities of Palawan)
Roxas – Sitio Rizal, Brgy. New Cuyo
Taytay – Sitio Nalbot, Brgy. Poblacion
El Nido – Sitio Caalan, Brgy. Maligaya
San Vicente – Poblacion area of Brgy. Alimanguan
Cuyo – Brgy. Pawa going to Brgy. San Carlos
Area South (Southern Municipalities of Palawan)
Quezon – Tabon Crossing, Brgy. Tabon to Sitio Tagdao, Brgy. Berong
Aborlan and Narra – From Km. 81, South National Highway to Brgy. Jose Rizal, Brgy. Apoc Apoc, Aborlan and Brgy. Bagong Sikat, Narra
Brooke’s Point and Sofronio Espanola – From NPC-Ipilan (Brooke’s Point) to Brgy. Punang, Sofronio Espanola
 
Ang pagdaraos ng ganitong gawain ay alinsunod sa mandato ng PALECO na makapagbigay ng maaasahang serbisyo sa kanilang mga Member-Consumer-Owners (MCOs) at sa layunin ng Pamunuan at mga Kawani ng Kooperatiba na mabigyang proteksyon ang mga linya ng kuryente mula sa mga suliraning dulot ng vegetation (mga gumagapang na halaman, sanga ng mga punong-kahoy) at mga buhay-ilang.
 
Hinihikayat din ang mga MCO na residente sa nasabing lugar na may mga katanungan, nais i-report o nais ipaabot sa Pamunuan ng PALECO na mga usaping pang Kooperatiba na maaaring lumapit sa mga itatalagang Kawani upang sila’y alalayan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com