Palawan Electric Cooperative

Maraming salamat, Paleco 5K Runners!

Isang masigabong pasasalamat sa lahat ng lumahok at nakiisa sa kauna-unahang fun run ng Palawan Electric Cooperative (Paleco)—ang Paleco 5K Power Run—na matagumpay na isinagawa noong ika-2 ng Agosto!
 
Kaalinsabay rin ito ng NEA-EC Fun Run na isinagawa sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas bilang pakikiisa sa ika-56 na taon ng pagkakatatag ng National Electrification Administration (NEA) at ika-16 na taon ng pagdiriwang na National Electrification Awareness Month (NEAM).
Hindi matutumbasan ang kasiyahan at enerhiyang ipinamalas ng bawat isa—mga tumakbo, sumuporta, at tumulong—mula simula hanggang finish line.
 
Ang tagumpay ng kaganapang ito ay hindi magiging posible kung wala ang ating mga katuwang:
● Sa Robinson’s Palawan, na buong puso kaming tinanggap at nagsilbing dausan ng aming fun run;
● Sa Department of Public Works and Highways – 3rd Engineering District, sa kanilang pahintulot na gamitin ang bahagi ng Puerto Princesa City North National Highway;
● At higit sa lahat, sa Mega Apuradong Administrasyon na pangunguna ng Kagalang-galang Lucilo R. Bayron, Alkalde ng Lungsod ng Puerto Princesa, at sa mga sumusunod na tanggapan ng pamahalaang lungsod:
• Office of the City Administrator
• Office of the City Engineer
• Office of the City Health Officer – Health Emergency Response Operation (HERO)
• Office of the City Information Officer
• Office of the City General Services Officer
• City Traffic Management Office
 
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng dumalo—maging para tumakbo, manood o sumuporta sa mga kaibigan at mahal sa buhay. Ang inyong mga ngiti, sigaw ng pagsuporta at positibong puna ay nagsilbing inspirasyon sa amin upang lalo pang pagbutihin ang mga programang inihahandog namin para sa mga member-consumer-owner (MCO) at sa mas malawak na komunidad na aming pinaglilingkuran.
 
Higit pa sa pagiging isang masayang aktibidad, nawa’y magsilbi rin itong paalala ng kahalagahan ng elektripikasyon sa kaunlaran ng sambayanan—isang adhikaing patuloy na isinusulong ng Paleco at ng NEA.
 
Hanggang sa muli nating pagsasama sa susunod na fun run! Kitakits sa starting line!

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com