Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

LIVELIHOOD TRAINING ON DISHWASHING SOAP & FABRIC CONDITIONER MAKING FOR OUT OF SCHOOL YOUTH

TINGNAN:
 
Kasalukuyang nagsasagawa ng Livelihood Training on Dishwashing Soap and Fabric Conditioner Making para sa mga Out of School Youth (OSY) ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) katuwang ang City Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) at Department of Trade and Industry (DTI) sa PALECO Main Office.
 
Dumalo ang 29 na OSY mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Puerto Princesa na makatatanggap din ng starter kit sa pagtatapos ng nasabing gawain.
 
Nagsilbing tagapagsalita si Bb. Annabelle C. Maderazo, partner ng City LEDIPO sa pagsasagawa ng katulad na aktibidades.
 
Ang pagsasagawa ng nasabing Livelihood Training Program ng Kooperatiba ay alinsunod sa Social Development Plan nito, na naipresenta noong ika-41 Annual General Assembly Meeting, na may layuning makatulong upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga benepesyaryo nito.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com