Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

LINEMAN SKILLS OLYMPIC IDINAOS KAHAPON, IKA-26 NG AGOSTO, SA PALECO MAIN OFFICE

Nagsagawa ng Lineman Skills Olympic kahapon, ika-26 ng Agosto, sa PALECO Main Office na pinangunahan ng Technical Services Department katuwang ang Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc (IIEE) – Palawan Chapter na kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang 22nd Southern Luzon Conference sa lungsod.
 
Apat na grupo na may myembrong dalawang linemen at isang groundman ang naglaban-laban sa pabilisan ng pag-install ng pole top assembly. Liban sa bilis, parte ng naging batayan sa kompetisyong ito ay kanilang seguridad at kawastuhan ng pag gawa.
 
Nagsilbing hurado sa patimpalak sina Engr. Joel Conde at Engr. Rez Contrivida na kapwa mula sa IIEE Palawan Chapter.
 
Ang resulta ng isinagawang patimpalak ay malalaman sa culminating activity sa darating na sports festival ng mga kawani ng PALECO sa susunod na buwan..
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com