"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
LIBRENG MEDICAL CONSULTATION PARA SA MGA MIYEMBRO
Kamay-ari!
Dahil araw ng Miyerkules bukas, ika-30 ng Agosto, muling tatanggap ng OB-GYN cases ang ating Kooperatiba para sa ating libreng medical consultation.
Punta lamang sa PALECO Main Office mula 1:00 hanggang 3:00 ng hapon.
Bukas ito sa lahat ng miyembro ng PALECO at kanilang asawa at anak. Kung single naman ang mismong miyembro, bukas naman ito para sa kaniyang mga magulang.
Magkita-kita po tayo!