Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

LIBRENG MEDICAL CONSULTATION NA HATID NG PALECO, MATAGUMPAY NA NAIDAOS

Matagumpay na naidaos ang unang araw ng libreng medical consultation na hatid ng PALECO sa mga miyembro nito at kanilang pamilya kahapon, ika-17 ng Agosto.

Pawang ENT cases ang tinanggap ng Kooperatiba kahapon samantalang pediatric cases naman ngayong araw, ika-18 ng Agosto.

Bukas ito sa mga miyembro ng PALECO o iyong nakapangalan sa kanilang koneksyon ng kuryente at maging sa kanilang asawa at anak. Kung single naman ang mismong miyembro, bukas ito para sa kaniyang mga magulang. Magdala lamang ng katunayan tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate at valid government ID.

Paalala na tanging ang unang sampung (10) pasenyenteng makakapagpalista lamang kada araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes ang tatanggapin ng Kooperatiba mula 1:00 hanggang 3:00 ng hapon.

Nagpapasalamat naman ang Pamunuan ng PALECO kay Dra. Lumen Palanca mula sa Palawan Medical Society sa kainyang paglaan ng oras para sa nasabing programa ng Kooperatiba kahapon.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com