Palawan Electric Cooperative

Kinikilala ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang kahalagahan ng pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month 2026 ngayong buwan ng Hulyo na may temang, "Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas."

Nakikiisa ang Kooperatiba sa mga programa at inisyatibong isinusulong ng Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, na naglalayong palakasin ang kahandaan, pagtutulungan, at katatagan ng bawat komunidad sa harap ng anumang kalamidad.
 
Bilang isang electric cooperative, patuloy na isinusulong ng PALECO ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, mapanatili ang maaasahang serbisyo ng kuryente, at makapagbigay ng mabilis na pagtugon sa panahon ng mga sakuna. Sa sama-samang paghahanda at pagkilos, makakamit natin ang isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang pamayanan.
 
 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com