"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
KARAGDAGANG APAT NA MAKINA NG DMCI POWER CORPORATION (DPC)
Sa kasalukuyan, dinidiskarga na ito sa planta ng DPC sa Irawan at isinasagawa ang paglalatag ng mga kable upang magamit. Nakatakda magsagawa ng load testing para sa nasabing makina sa Huwebes, March 30 at inaasahang tuloy tuloy na sa commercial operation.
Ang nasabing mga makina ay kayang magbigay ng 3.4 MW na supply ng kuryente. Ito ay pauna lamang sa 6 MW na hiniling ng PALECO sa DPC para sa karagdagang supply.
Sa kasalukuyan, nakakaranas ng load shedding dito sa lungsod at ibang Munispyo dahil sa kakulangan sa supply dahil sa pagtaas ng demand at emergency/corrective maintenance ng mga makina ng power providers.
Samantala, inaasahan ang karagdagang 20 MW na supply mula sa bagong power provider ng PALECO na SI Power Corporation (SIPCOR) sa taong 2024