Palawan Electric Cooperative

KAMAY-ARI UPDATE | Alay Mula sa Puso 2025

Bilang pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag ng Palawan Electric Cooperative (Paleco), nagtungo ang mga kawani nito sa Sitio Abucayan, Brgy. Panitian, Sofronio Española, Palawan noong ika-28 ng Pebrero upang magsagawa ng medical mission para sa mga residente ng nasabing lugar.
 
Humigit-kumulang 300 residente, kung saan ang karamihan ay katutubo, ang nabigyan ng atensyong medikal dahil sa nasabing gawain. Namahagi rin ang Paleco ng mga bitamina at gamot sa mga ito.
 
Ang pagsasagawa ng Alay Mula sa Puso ay taunang tradisyon ng mga kawani ng Paleco at nanggagaling sa pag aambagan ng mga ito ang pondong ginagamit para rito.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com