Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

INFORMATIONAL MEETING AT PAGTATAG NG BARANGAY MEMBER-CONSUMER-OWNER ORGANIZATION ISINAGAWA SA BGY. ALFONSO XIII AT BGY. TABON SA MUNISIPYO NG QUEZON KAHAPON, IKA-18 NG AGOSTO

Nagsagawa ng Informational Meeting ang Member Services Division – Institutional Services Department ng PALECO sa Barangay Alfonso XIII at Barangay Tabon sa Munisipyo ng Quezon kahapon, ika 18 ng Agosto.
 
Layon ng gawain na mabigyan ng impormasyon ang mga miyembro sa mga nasabing Barangay patungkol sa operasyon, ng kooperatiba, mga programa at mga polisiyang ipinatutupad. Nabigyan rin ng pagkakataon ang mga dumalo na makapag tanong at maibigay ang kanilang mga saloobin patungkol sa iba’t ibang usapin. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng may 30 miyembro mula sa Barangay Alfonso XIII at 72 miyembro naman sa Barangay Tabon.
 
Kasabay ng pagpupulong ay ang pagtatag ng Barangay Member-Consumer-Owner Organization (MCOO), paghalal ng mga opisyales at panunumpa ng mga ito.
Ang isinagawang pagtatag ng Barangay MCOO ay naayon sa layunin ng Kooperatiba na mapabuti ang serbisyo sa pamamagitan ng bukas at maayos na komunikasyon at alinsunod na rin sa inilabas ng National Electrification Administration (NEA) na Memorandum No. 2019 – 044 na naglalaman ng pagpapatupad ng Member-Consumer-Owner Program for Empowerment o MCOPE.
 
Ayon sa nasabing memorandum, ang mga ihahalal na opisyal ay magmumula sa sampung sectoral representative ng bawat barangay. Ang mga sektor na ito ay Agro-Fishery, Labor, Youth, Women, Education, Senior Citizen, Civic, Business, Religious at Indigenous People.
 
Ang mga sumusunod ang nahalal na opisyales .
Barangay Alfonso XIII MCO Organization
Chairman – Reymond Azares
Vice Chairman – Joshua Dayto
Secretary – Elizabeth Cantuba
Treasurer – Prescilla Elefane
Barangay Tabon MCO Organization
Chairman – Hassam Mataria
Vice Chairman – Oliver Janoba
Secretary – Lucila Gadiano
Treasurer – Arlene Mahilum
 
Lubos ang pagpapasalamat ng PALECO kina Punong Barangay Leonard Vinent Ayod ng Bgy. Alfonso XIII at Punong Barangay Ruthie Sunayan ng Bgy. Tabon, sa kanilang mga Barangay Officials at lalo’t higit sa mga dumalong MCOs.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com