"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
INFORMATIONAL MEETING AT PAGTATAG NG BARANGAY MEMBER-CONSUMER-OWNER (MCO) ORGANIZATION ISINAGAWA SA BRGY. CONCEPCION, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, KAHAPON, IKA-15 NG OKTUBRE
Nagsagawa ng Informational Meeting ang Member Services Division – Institutional Services Department ng PALECO na ginanap sa Brgy. Concepcion, Puerto Princesa City, kahapon, ika-15 ng Oktubre. Kabilang sa humigit-kumulang 60 miyembro ng Kooperatiba na dumalo sa nasabing pagpupulong ay mula sa Brgy. Concepcion, Brgy. Tanabag, Brgy. Binduyan at Brgy. Langogan, Puerto Princesa City.
Ang nasabing gawain ay naisakatuparan sa pangunguna ng District Electrification Committee ng District III (Northern Barangays of Puerto Princesa City) at ni Dir. Neil L. Cinco na siya namang inorganisa ng mga empleyado ng Member Services Division (MSD) ng PALECO.
Layon ng gawain na mabigyan ng impormasyon ang mga miyembro sa mga nasabing barangay patungkol sa operasyon ng kooperatiba, mga programa at mga polisiyang ipinatutupad tulad ng mga dahilan ng Blackout, Revised Policy 6-14 (patungkol sa Pilferage, Flying Connection at Unauthorized Reconnection) at iba pa. Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na makapag tanong at maibigay ang kanilang mga saloobin patungkol sa iba’t ibang usapin.
Kasabay ng pagpupulong ay ang pagtatag ng Barangay Member-Consumer-Owner Organization (MCOO) ng Brgy. Concepcion, Brgy. Binduyan at Brgy. Tanabag at paghalal ng mga opisyales at panunumpa ng mga ito.
Samantala, dumalo rin sa nasabing gawain ang Barangay Langogan MCO Organization sa pangunguna ng kanilang Chairman na si Ginoong Albert dela Cerna.
Ang isinagawang pagtatag ng Barangay MCOO ay naayon sa layunin ng Kooperatiba na mapabuti ang serbisyo sa pamamagitan ng bukas at maayos na komunikasyon at alinsunod na rin sa inilabas ng National Electrification Administration (NEA) na Memorandum No. 2019 – 044 na naglalaman ng pagpapatupad ng Member-Consumer-Owner Program for Empowerment o MCOPE.
Ayon sa nasabing memorandum, ang mga ihahalal na opisyal ay magmumula sa sampung sectoral representative ng bawat barangay. Ang mga sektor na ito ay Agro-Fishery, Labor, Youth, Women, Education, Senior Citizen, Civic, Business, Religious at Indigenous People.
Ang mga sumusunod ang nahalal na opisyales.
Barangay Concepcion MCO Organization
Chairman – Emmanuel Apdon
Vice Chairman – Ruth Luna
Secretary – Noralyn Luna
Treasurer – Domingo Rufano
Barangay Binduyan MCO Organization
Chairman – Salvador Moreno
Vice Chairman – Paulo Relampagos
Secretary – Susan Sevilla
Treasurer – Ramon Laspinas
Barangay Tanabag MCO Organization
Chairman – Rudy Yara
Vice Chairman – Lydia Dalabajan
Secretary – Ricardo Salgado
Treasurer – Sherlita Garbo
Lubos ang pagpapasalamat ng PALECO kina Punong Barangay Job Francisco ng Brgy. Concepcion, Punong Barangay Macario Fabrigas ng Brgy. Binduyan, Punong Barangay Marcelito Dancil ng Brgy. Tanabag, Punong Barangay Camilo Bebit ng Brgy. Langogan, sa kani-kanilang mga Barangay Officials at lalong higit sa mga MCOs na dumalo sa nasabing gawain.