Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

ILANG RESIDENTE SA SITIO BUBUSAWIN SA BAYAN NG ABORLAN, NAPAPAILAWAN NA GAMIT ANG SOLAR PV DC SMART GRID SYSTEM

Nagpulong ang District Electrification Committee (DEC) ng ikalimang distrito ng PALECO na sumasakop sa Brgy. Inagawan at Kamuning ng Puerto Princesa City at bayan ng Aborlan kahapon, Hunyo 20. Ito ay isinagawa sa Satellite Office ng kooperatiba sa Aborlan, Palawan. Pinangunahan ni Mr. Efren Abejo, Board of Director (BOD) ang pagpupulong nang regular na ginagawa kada kwarter ng taon para pag-usapan at mabigyang linaw ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa operasyon ng PALECO partikular sa nabanggit na distrito.
 
Ipinaalam sa mga kinatawan ng magkakaibang sektor ang mga pabatid para sa mga kasapi patungkol sa nalalapit na ika-40 Taunang Pangkalahatang Pagpupulong sa darating na Hulyo 23 at ang mga kaakibat na pag-uusapan dito. Maging ang paghimok sa mga miyembro na makilahok sa paghahalal at pagtatalaga ng mga susunod na magiging opisyales o miyembro ng mga komite gaya ng Ethics Committee; Education and Training Committtee; Mediation and Concilitation Committee; Election Committee; at Audit Committee. Napag-usapan rin ang posibleng pagtulong na makahanap ng karapat-dapat na aplikante para makapasok sa Scholarship Program ng PALECO.
 
Nabuksan rin ang ilang concerns ng distrito gaya ng madalas na pagkawala ng kuryente dulot ng vegetation o mga puno at sanga ng kahoy malapit sa linya ng PALECO. Maging ang mga nakabinbin pang receivables o mga hindi pa nababayarang kuryente at kung paano makakatulong ang DEC para ito ay masingil.
 
Ang DEC ay binubuo ng mga miyebro mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na katuwang ng mga Director patungkol sa mga usapin sa bawat distrito ng kooperatiba. Ang mga ito ang nagsisilbing mata at tainga ng direktor upang agad na matugunan ang mga suliranin at pangagailangan sa kanilang nasasakupan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com