"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
HIGH SCHOOL SYMPOSIUM, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
Matagumpay na nakapagsagawa ng high school symposium ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa Sta. Monica High School, Sicsican National High School, San Jose National High School at Palawan National School sa Lungsod ng Puerto Princesa maging sa Narra Integrated School sa Munisipyo ng Narra at Roxas National Comprehensive High School sa Munisipyo ng Roxas ngayong buwan ng Mayo upang magbigay impormasyon ukol sa PALECO Scholarship Program para sa School Year 2024-2025.
Alinsunod sa ipinasang resolusyon ng PALECO Board of Directors, mula dalawang (2) puwang ay naging lima (5) na kada distrito ng Kooperatiba ang maaaring maging scholar ng PALECO. Liban pa rito, ang General Manager’s slot naman ay para sa mga makakakuha ng pinakamataas na grado sa qualifying exam. Alinsunod rin a nasabing resolusyon na ang isang (1) puwang sa bawat distrito ay nakalaan para sa mga mag-aaral na differently abled o PWD.
Ipinaalam sa mga mag-aaral na upang mag-qualify sa nasabing programa ng PALECO, sila ay dapat na incoming first year student, dapat na may isang (1) taon ng miyembro ng Kooperatiba ang isa sa kanilang mga magulang at hindi nahuling lumalabag sa mga batas o polisiya ukol sa pagnanakaw ng kuryente (power pilferage) at walang kamag-anak na regular employee o officer ng PALECO within the 4th degree of consanguinity or affinity.
Kailangan din na single, hindi lalagpas sa 20 taon at may good moral character ang mag-aaral.
Namahagi rin ng application forms at table of consanguinity (na maaari ring i-download sa www.paleco.net) sa mga mag-aaral na documentary requirement kasama ang report card, Certificate of Good Moral Character, Latest Income Tax Report ng magulang (na hindi tataas sa Php 120,000.00 o kaya nama’y Indigent Certificate mula sa barangay) at PWD card para sa mga mag-aaral na differently abled. Ang mga requirement na ito ay dapat maipasa hanggang sa July 5 at isasagawa naman ang qualifying exam sa July 25.
Samantala, maliban sa nasabing programa, ipinaliwanag din sa mga mag-aaral na dumalo ang power family at iba’t-ibang dahilan ng blackout.
Nagpapasalamat naman ang PALECO sa pamunuan ng mga nabanggit na paaralan sa pagpapaunlak sa Kooperatiba na idaos ang nasabing gawain lalo’t higit sa bawat isang mag-aaral na dumalo.