"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
HANDOG NG PALECO LIBRENG MEDICAL CONSULTATION PARA SA MGA MIYEMBRO NITO
Kamay-ari!
Handog ng PALECO ang libreng medical consultation para sa mga miyembro nito at kanilang pamilya linggo-linggo tuwing araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes na gaganapin sa PALECO Main Office mula ala-una hanggang alas tres ng hapon.
Unang sampung pasyenteng makakapagpalista ang tatanggapin sa bawat araw na nabanggit. Ang araw ng Miyerkules ay para sa mga OBGYN cases samantalang ENT cases naman tuwing araw ng Huwebes. Tuwing Biyernes nama’y pediatric cases ang tatanggapin ng Kooperatiba.
Bukas ito sa mga miyembro ng PALECO o iyong nakapangalan sa kanilang koneksyon ng kuryente at maging sa kanilang asawa at anak. Kung single naman ang mismong miyembro, bukas naman ito para sa kaniyang mga magulang. Magdala lamang ng katunayan tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate at valid government ID.