"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
ENGR. REZ L. CONTRIVIDA, GENERAL MANAGER NG PALECO, PERSONAL NA SINIGURO NA MAAYOS MAISAGAWA ANG RESTORATION NG POWER SA MGA NAAPEKTUHANG LUGAR NG TOTAL BLACKOUT NGAYONG ARAW, IKA-22 NG HUNYO
Nawalan ng kuryente ang Lungsod ng Puerto Princesa maging ang Munispyo ng Roxas, Taytay, Dumaran (mainland), Narra, Brooke’s Point, Sofronio Española at Bataraza kaninang 4:50 ng hapon nang mag trip ang breaker ng DMCI Aborlan.
Agad namang inaksyunan ito ng mga kawani ng Kooperatiba sa pangunguna ng General Manager nito na si Engr. Rez L. Contrivida at sa pakikipagtulungan sa ang mga Independent Power Provider (IPP) ng PALECO (DMCI, DELTA P at PPGI) at National Power Corporation (NPC).
Ayon sa Substation, natagalan ang pagbalik ng kuryente sa mga naapektuhang lugar dahil siniguro na stable na ang supply ng kuryente sa Palawan Main Grid upang hindi magdulot ng pagpapatay-sindi ng kuryente o magkaroon ng kasunod pa na total blackout.
“Sa ating mga Member-Consumer-Owner, rest assured na sa mga pagkakataong nagkakaroon ng pagkawala ng kuryente, magmula man ang dahilan ng mga ito sa PALECO o hindi, sinisigurado kong puspusan ang ibibigay na effort ng PALECO upang maaksyunan at masolusyunan ito.” Ani ni GM Contrivida.