Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

G. RAUL A. GRANDE NANALO BILANG BAGONG DIREKTOR NG IKALAWANG DISTRITO SA HALALAN

Iprinoklama noong ika-21 ng Setyembre bilang bagong direktor ng ikalawang distrito (Barangay Mandaragat, San Miguel, San Pedro, San Manuel at San Jose) si G. Raul A. Grande matapos ang isinagawang halalan sa parehong araw kung saan siya ay nakakuha ng 361 na boto laban kina G. Romeo D. Luzares, Jr. na nakakuha ng 103 na boto at G. Cesar R. Miraflores na nakakuha naman ng 293 na boto.
 
Ang nangasiwa ng eleksyon at nagproklama ay ang District Election Committee ng District II na binubuo nina G. Leandro L. Asebuque, Gng. Lily Rose M. Tamayo at Gng. Norita L. Adorna kasama ang Election Committee na binubuo naman nina Gng. Phebe A. Capague at Gng. Merecedes A. Latonio.
 
Nagpapasalamat ang pamunuan ng Paleco sa mga guro na nagsilbing miyembro ng Precinct Election Committee (PECOM) at sa mga member-consumer-owner nito sa paglahok sa naganap na patas, mapayapa at maayos na halalan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com