Palawan Electric Cooperative

ERC ipinag-utos ang muling pagsingil ng Universal Charge – Environmental Charge sa mga distribution utilities

Sa inilabas na advisory noong ika-7 ng Nobyembre ng Energy Regulatory Commission (ERC), ipinag-utos nito sa mga distribution utility sa buong bansa ang muling pangongolekta ng Universal Charge – Environmental Charge na may halagang Php 0.0025/kWh at i-remit ito sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Ayon rin sa nasabing advisory, ito ay upang magkaroon ng sapat na pondo para sa epektibong pamamahala at rehabilitasyon ng mga watershed na pinangangalagaan ng National Power Corporation (NPC).

Bilang pagsunod sa nasabing kautusan, idinagdag ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang nasabing halaga sa effective power rate nito para sa buwan ng Nobyembre.

Matatandaang sinuspende ng ERC ang pangongolekta sa UC-EC noong ika 22 ng Mayo, 2020.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com