Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

ELEMENTARY SYMPOSIUM SA RESERVATION ELEMENTARY SCHOOL SA QUEZON, PALAWAN

TINGNAN:
 
Bilang pagdiriwang ng ika-15 National Electrification Awareness Month (NEAM) ngayong Agosto, nagsagawa ang Palawan Electric Cooperative (Paleco) ng elementary symposium sa Reservation Elementary School sa Quezon, Palawan na sinabayan din ng donation ng learner’s kit sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 ng nasabing paaralan noong ika-2 ng Agosto.
 
May kabuoang bilang na 219 ang dumalo sa nasabing symposium kung saan ipinakilala sa kanila ang Paleco at itinuro kung ano ang layunin ng Kooperatiba.
 
Samantala, naglalaman naman ng school supplies tulad ng notebook, pad paper, panulat, mga krayola at iba pa ang mga ipinamahaging learner’s kit.
 
Dumalo sa nasabing gawain sina District IX Board of Director (BOD) Engr. Angelo G. Nierva kasama ang ilan sa mga miyembro ng District Electrification Committee (DEC) ng nasabing distrito at Bb. Neriza S. Regal, Area South Operations Department Manager.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com