Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

ELEMENTARY SYMPOSIUM SA OLD GUINLO ELEMENTARY SCHOOL SA TAYTAY, PALAWAN

TINGNAN:
 
Bilang pagdiriwang ng ika-15 National Electrification Awareness Month (NEAM) ngayong Agosto, nagsagawa ang Palawan Electric Cooperative (Paleco) ng elementary symposium sa Old Guinlo Elementary School sa Taytay, Palawan na sinabayan din ng donation ng learner’s kit sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ng nasabing paaralan noong ika-6 ng Agosto.
 
Ipinakilala sa mga estudyante ang Paleco at itinuro sa mga ito kung ano ang layunin ng Kooperatiba. Tinuruan din ang mga ito ng mga paraan ng pagtitipid at mga paraan upang manatiling ligtas sa pag gamit ng kuryente.
 
May kabuoang bilang na 108 ang naipamahaging learner’s kit sa mga mag-aaral na naglalaman ng school supplies tulad ng kwaderno, papel, panulat, mga krayola at iba pa.
 
Dumalo sa nasabing gawain sina Dir. Ferdinand B. Garcellano mula sa District XI (Munisipyo ng Taytay, San Vidente at El Nido) at Bb. Melissa D. Fancubila, Area North Operations Department Manager.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com