Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

ELEMENTARY SYMPOSIUM AT OUTREACH ACTIVITY ISINAGAWA SA BUSNGOL ELEMENTARY SCHOOL NG BRGY. STA. LOURDES KAHAPON, IKA-23 NG AGOSTO

Nagsagawa ng Elementary Symposium at Outreach Activity ang PALECO sa pangunguna ng Member Services Division – Institutional Services Department ng sa Busngol Elementary School ng Brgy. Sta Lourdes, Puerto Princesa City kahapon, ika-23 ng Agosto.

Tinalakay sa nasabing symposium ang mga dahilan ng blackout, mga gawain patungkol sa pagtitipid ng kuryente at mga dapat tandaan upang mapanatiling ligtas ang mga bata sa paggamit ng kuryente. Humigi’t kumulang 120 estudyante mula Kinder hanggang Grade VI ang dumalo sa symposium na masigla ring sumagot sa mga katanungang ibinigay sa kanila matapos ang pagpapaliwanag sa bawat paksa.

Liban sa mga pa-premyong natanggap, nabigyan din ng kaunting gamit sa eskwela ang mga dumalong estudyante tulad ng papel, notebook, face mask, lapis at ballpen.

 Pinagkalooban din ang Busngol Elementary School ng mga alcohol at mga sabon upang magamit ng mga estudyante at mga guro sa pang araw-araw na tinanggap ni Gng. Maria Leah C.Pasiliao, Head Teacher III at Officer-in-Charge ng nasabing paaralan.

Ginawaran naman ng Busngol Elementary School ang PALECO ng Certificate of Appreciation na tinanggap ng Member Services Division Chief ng Institutional Services Department na si Ms. Vicky Monette A. Basilio.

Nagpasalamat si Gng. Pasiliao sa pamunuan ng PALECO sa pagpili sa kaniyang paaralan para pagdausan ng Elementary Syposium at Outreach Activity. Dinagdag pa nito na malaking tulong ang naipamahagi ng PALECO ‘di lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa kanilang mga magulang at sa mga guro. Ayon pa sa kaniya, kitang-kita sa mga mata ng mga bata ang kanilang tuwa.

Ang nasabing mga gawain ay kaugnay sa pagdiriwang ng 13th National Electrification Awareness Month (NEAM). Liban pa sa isinagawang Elementary Symposium at Outreach Program, magsasagawa rin ng Simultaneous Line Clearing at Tree Planting ang mga kawani ng PALECO sa darating na ika-26 ng Agosto sa Brgy. Montible, Puerto Princesa City at Basic Electrical Troubleshooting for Women-MCO sa ika-31 ng Agosto sa mini-training room sa Main Office ng PALECO.

Lubos ang pasasalamat ng PALECO sa mga estudyante, mga magulang at mga guro ng Busngol Elementary School sa mainit nitong pagtanggap sa grupo.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com