"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
ELEMENTARY SYMPOSIUM AT GIFT-GIVING ACTIVITY ISINAGAWA NG PALECO SA MALCAMPO ELEMENTARY SCHOOL SA ROXAS, PALAWAN KAHAPON, IKA-16 NG AGOSTO, BILANG ISA SA MGA GAWAIN PARA SA IKA-14 NA TAONG PAGDIRIWANG NG NATIONAL ELECTRIFICATION AWARENESS MONTH
Humigit-kumulang 130 Learners Kit ang ipinamahagi ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa mga mag-aaral ng Malcampo Elementary School sa Munisipyo ng Roxas kahapon, ika-16 ng Agosto, bilang pagdiriwang ng 14th National Electrification Awareness Month (NEAM).
Sinabayan din ang nasabing gift-giving activity ng isang symposium sa nasabing paaralan kung saan tinalakay sa mga mag aaaral ang mga paraan upang manatiling ligtas at makatipid sa pag gamit ng kuryente.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga magulang ng mga mag aaral na dumalo na makapag tanong ukol sa mga dahilan ng blackout at ipa pang mga usaping pang kooperatiba.
Binigyan din ng Kooperatiba ng premyo ang mga mag-aaaral na aktibong sumagot sa mga katanungang ibinigay sa kanila.
Nagpapasalamat naman ang Pamunuan ng PALECO sa Department of Education (DepEd) – Schools Division Office (SDO) ng Palawan sa pamumuno ni Gng. Elsie T. Barrios, PhD na siyang Schools Division Superintendent nito, sa pamamagitan ni Bb. Grace Estefano sa pagtulong na maisakatuparan ang nasabing gawain.
Ipinaabot din ng mga mag-aaral, mga magulang at mga guro ng Malcampo ES ang kanilang pasasalamat sa tulong na ipinaabot ng Kooperatiba.
Samantala, magdadaos din ng parehong gawain ang PALECO sa Sofronio Espanola Memorial Elementary School bukas, ika-18 ng Agosto.