"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
E-ICPM REGIONAL DELIBERATIONPANEL REVIEW OF ECS' FIVE YEAR (2024-2028) WORKPLAN
Matagumpay na naipasa ng mga kawani ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa National Electrification Admnistration (NEA) ang Five-Year Workplan nito kung saan nakapaloob ang mga nakatakdang proyekto at iba’t ibang gawain para sa taong 2024 hanggang 2028 sa ginanap na eICPM Regional Deliberation and Panel Review kung saan dinaluhan ito nga mga electric cooperatives (ECs) na kabilang sa Region IV-A at IV-B noong ika-6 hanggang ika-10 ng Mayo.
Gamit ang enhanced-Integrated Computerized Planning Model (eICPM) na ginawa ng NEA, ito ay magsisilbing gabay sa pinansyal at teknikal na pangangailangan ng PALECO lalo na sa paglaan ng pondo at pagpapatupad ng mga proyekto gaya ng line extension, iba’t ibang pasilidad at sistema, at mga aktibidibad para sa member-consumers.
Hangarin din ng NEA na sa pamamagitan ng eICPM ay mapabilis ang pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga Capital Expenditures (CAPEX) Projects ng mga EC.