Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

BASIC ELECTRICAL TROUBLESHOOTING FOR WOMEN SEMINAR ISINAGAWA SA PALECO MAIN OFFICE

Nagsagawa ng Basic Electrical Troubleshooting for Women Seminar ang Member Services Division – Institutional Services Department ngayong araw, ika-31 ng Agosto, sa PALECO Main Office na dinaluhan ng humigi’t kumulang 25 kababaihan mula sa District I (Poblacion Barangays), II (Brgy. Mandaragat, San Miguel to San Jose) at IV (Brgy. Tiniguiban to Napsan).
Layunin ng isinagawang seminar na mabigyang kaalaman ang mga kababaihang dumalo patungkol sa basic electrical works na maaari nilang magamit sa kani-kanilang tahanan.
Nagsilbing tagapagsalita sa nasabing seminar si Engr. John Rey P. Sales, Special Equipment Section Head ng Technical Services Department.
 
Kabilang sa naging gawain sa seminar, ang paggawa ng kani-kaniyang extension cord na kanila ring naiuwi.
 
Ang gawaing ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-13 National Electrification Awareness Month ngayong buwan ng Agosto. Maliban sa naging gawain ngayong araw, nagsagawa rin ng Elementary Symposium at Outreach Activity sa Busngol Elementary School sa Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City noong ika-23 ng Agosto at Simultaneous Line Clearing at Tree Planting Activity sa Brgy. Montible, Puerto Princesa City noong ika-26 ng Agosto ang mga kawani ng PALECO.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com