"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
INSTALLATION NG BAGONG PROJECT SUPERVISOR NG PALECO NA SI G. RENE M. FAJILAGUTAN AT OATH TAKING NINA DIR. MOISES R. ARZAGA, JR., BAGONG HALAL NA CHAIRPERSON, DIR. LIZA ANGELA M. JARANILLA, BAGONG HALAL NA VICE CHAIRPERSON, AT DIR. RAUL M. TIMBANCAYA, BAGONG HALAL NA MYEMBRO NG PALECO BOARD OF DIRECTORS (BODS) ISINAGAWA KAHAPON, IKA-1 NG DISYEMBRE SA PALECO MAIN OFFICE
Isinagawa sa pangunguna ni Atty. Xerxes D. Adzuara, outgoing Project Supervisor ng PALECO, ang installation ni G. Rene M. Fajilagutan bilang bagong Project Supervisor ng Kooperatiba kahapon, ika-1 ng Disyembre, na ginanap sa PALECO Main Office alinsunod sa National Electrification Administration (NEA) Office Order No. 225 Series of 2022 na nilagdaan ni dating NEA Administrator Emmanuel P. Juaneza.
Si PS Fajilagutan ay may humigit-kumulang 35 taon ng nagseserbisyo para sa rural electrification. Sa kasalukuyan siya rin ang General Manager ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO), Pangulo ng Association of Isolated Electric Cooperatives (AIEC), Pangulo para sa rehiyong MIMAROPA ng National Association of General Managers of Electric Cooperatives, Inc. (NAGMEC) at Pangulo ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) para sa Region IV.
Ilan sa mga tungkulin ng isang itinalagang Project Supervisor ang pangasiwaan ang operasyon at pamumuno sa isang electric cooperative, aprubahan o hindi aprubahan ang mga Board Resolutions matapos kunsultahin ang tamang departamento sa NEA at iba pang mga gawaing maaaring iatas sa kanya ng NEA na may kinalaman sa pagpapanatili ng maayos na operasyon ng isang electric cooperative.
Pinangunahan naman ni PS Fajilagutan ang panunumpa sa tungkulin nina Dir. Moises R. Arzaga, Jr. mula sa District II (mula Brgy. Mandaragat, Brgy. San Miguel hanggang Brgy. San Jose),bagong halal na Chairperson, Dir. Liza Angela M. Jaranilla mula sa District VIII (Munisipyo ng Cuyo, Magsaysay at Agutaya), bagong halal na Vice Chairperson, at ni Dir. Raul M. Timbancaya bilang bagong myembro ng PALECO BODs.
Matapos ang ginawang installation at oath taking, ipinakilala rin si PS Fajilagutan sa mga Manager at Officer-In-Charge ng lahat ng departamento ng Kooperatiba.
Ayon kay PS Fajilagutan, bilang bagong Project Supervisor, siya ay nariyan upang magbigay suhestyon at tulong sa pamunuan ng PALECO at sa Board of Directors nito upang masiguro ang pag unlad ng Kooperatiba at maging isang AAA Electric Cooperative sa lalong madaling panahon.
Samantala, nagbigay pasasalamat naman si Atty. Adzuara sa lahat ng suporta na ibinigay sa kaniya ng pamunuan at maging ng mga kawani ng PALECO sa panahon na siya ang nakaupo bilang NEA Designated Project Supervisor ng Kooperatiba