Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

AUTOMATIC LOAD DROPPING SCHEME (APRIL - JUNE 2023)

Kamay-ari!
 
Alam mo ba kung ano ang ALD?
 
Ang ALD o Automatic Load Dropping ay ang awtomatikong pagbabawas ng load sa grid sa pamamagitan ng pag shut-off ng isa o higit pang recloser.
 
Ginagawa ito kapag hindi inaasahang nagkaroon ng problema sa isa o higit pang makina ng mga power provider na nagdudulot ng hindi pagbabalanse ng supply at demand sa grid.
Tuwing tatlong buwan, naglalabas ng ALD Scheme ang PALECO o listahan ng pagkakasunod-sunod ng mga recloser na nakapilang awtomatikong i-shut off kapag kinakailangan magpatupad ng ALD.
 
Narito ang ALD Scheme para sa 2nd Quarter (April – June) ng taong 2023:
1. Mendoza Recloser
2. Lacsaman Recloser
3. Factor Recloser
4. San Jose Circuit
5. Iwahig Circuit
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com