Palawan Electric Cooperative

Alam mo ba na sa bisa ng Proclamation No. 1743, Series of 2009, na-i-deklara ang buwan ng Agosto bilang National Electrification Awareness Month (NEAM)?

Layunin ng nasabing proklamasyon na mabigyang diin ang kahalagahan ng elektripikasyon sa sosyo-ekonomikong pag-unlad ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko gamit ang pinaigting na kampanya ng impormasyon na tampok ang iba’t ibang programa at proyekto sa elektripikasyon.

Liban pa rito, sa buwan din ng Agosto pinagdiriwang ang anibersaryo ng National Electrification Administration (NEA).

Para sa ika-56 na taon ng pagkakatatag ng NEA at ika-16 na taong pagdiriwang ng NEAM, ang lahat ng mga electric cooperative sa bansa ay inanyayahang magsagawa ng fun run na tinawag na, “Let’s Bolt In: NEA and ECs Run for a Cause” na sabayang gaganapin sa ika-2 ng Agosto.

Ang matitipong pondo ng nasabing gawain ang gagamitin upang suportahan ang gagawing NEA-SAMAKAREN (Samahan ng mga Kawaning Makareporma ng NEA) Joint Outreach Program.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com