"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
MEMORANDUM OF UNDERTAKING (MOU) SA PAGPAPAILAW SA BAYAN NG CAGAYANCILLO, PINIRMAHAN
Pinirmahan ang Memorarandum of Undertaking (MOU) sa pagpapailaw ng Sitio Cawili, Barangay Magsaysay sa bayan ng Cagayancillo sa pagitan ng Department of Energy (DOE), local na pamahalaan ng Cagayancillo at PALECO . Ito ay isinagawa noong Hunyo 15 sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, Taguig City sa event ng DOE na “Working for an EmpoweREd Pilipinas: A BIGSHOW on Renewable Energy Development”.
Sa proyektong pagpapailaw, 120 residente ng nasabing lugar ang mabebenipisyuhan ng 34.85 kW Smart Grid Solar PV na ilalagay dito. Ito ay sa ilalim ng Development for Renewable Energy Application Mainstreaming and Market Sustainability (DREAMS) Project na ipinatutupad ng DOE sa pakikipagtulungan sa United Nations Development Programme at Global Environment Facility.
Pinangunahan ang kasunduan sa pagitan nina Department of Energy (DOE) Felix William B. Fuentebella, Supervising Undersecretary for the Renewable Energy Management Bureau (REMB), Mayor Sergio S. Tapalla ng Cagayancillo, Chairperson Jeffrey Y. Tan-Endriga ng PALECO at sinaksihan ni Atty. Jeffrey Sahagun na kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Kasama rin sa DREAMS Project ang Smart Grid Solar PV Household Electrification and Irrigation para 120 benipesyaryong sa Sitio Bubusawin, Bgy. Aporawan, Aborlan. Ito ay nauna ng na implementa at inaasahang matatapos ngayong buwan ng Hunyo ang pagkakabit ng mga solar home system at pagsasa pinal ng mga alintuntunin sa magiging operasyon ng proyekto.
Ang dalawang benipisyaryong lugar ng DREAMS Project ay sakop ng prangkisa ng PALECO na hindi pa naaabot ng mga linya.
Samantala, nagpahayag rin ng suporta si Chairperson Endriga sa kampanya ng DOE patungkol sa pagpapalaganap ng Renewable Energy sa pamamagitan ng pagpirma sa Statement of Commitment.