Mga Dapat Malaman ukol sa Extension ng Consumer Relief Protection Measures
Alamin kung sino-sino ang saklaw ng extension ng implementasyon ng Consumer Relief Protection Measures na inilabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) alinsunod sa Executive Order No. 110, at kung kailan maaaring magsimula ang pamumutol ng koneksyon ng kuryente sa mga hindi makapagbayad ng kanilang mga bayarin.
1. Sino ang mga COVERED CONSUMERS na protektado laban sa pamumutol ng koneksyon ng kuryente?
Ang mga sumusunod na residential consumers:
• May buwanang konsumo na 200 kWh pababa; at
• Nakapagbayad ng kanilang mga bayarin para sa konsumo noong Mayo hanggang Hulyo 2026 sa loob ng palugit na ibinigay hanggang Nobyembre 26, 2026.
2. Sino ang mga NON-COVERED CONSUMERS na maaaring maputulan ng koneksyon ng kuryente?
Kabilang dito ang:
• Mga residential consumers na may buwanang konsumo na 201 kWh pataas; at
• Mga consumer na nasa kategoryang Commercial, Industrial, Public Building Facilities, at Streetlight.
3. Kailan maaaring magsimula ang pamumutol ng koneksyon ng kuryente?
May dalawang yugto ng implementasyon ng pamumutol:
UNANG YUGTO: Pagkatapos ng Nobyembre 26, 2026
Maaaring putulan ng koneksyon ang mga sumusunod na hindi nakapagbayad ng kanilang mga bayarin para sa konsumo noong Mayo hanggang Hulyo 2026:
• COVERED CONSUMERS na hindi nakapagbayad sa loob ng itinakdang palugit; at
• NON-COVERED CONSUMERS na hindi nakapagbayad para sa nasabing panahon.
IKALAWANG YUGTO: Pagkatapos ng Disyembre 26, 2026
Maaaring putulan ng koneksyon ang mga NON-COVERED CONSUMERS na hindi nakapagbayad ng kanilang bayarin para sa konsumo noong Agosto hanggang Oktubre 2026.
Makakatanggap ng Notice of Disconnection ang mga maaaring maputulan.
Paalala sa lahat ng Kamay-ari
Hinihikayat ng PALECO ang lahat ng consumer na panatilihing updated ang kanilang mga bayarin sa kuryente hangga’t maaari. Ang regular na pagbabayad, buo man o hulugan, ay nakatutulong upang maiwasan ang pag-iipon ng mga hindi nababayarang obligasyon at mapanatiling maayos ang inyong account.
Sa sama-samang pagtupad sa ating mga obligasyon, patuloy nating masuportahan ang paghahatid ng ligtas, maaasahan, at napapanatiling serbisyo ng kuryente sa buong nasasakupan ng PALECO.
- Share to Facebook


