"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
565 PORTABLE PV HOME SYSTEM, IPINAGKALOOB NG DEPARTMENT OF ENERGY SA PROBINSIYA NG PALAWAN
Pinagkalooban ng Department of Energy (DOE) sa pamamagitan ng �Policy Guidelines for the Provision of Portable PV Solar Home System as Interim Solution for the Immediate and Effective Energization of Unserved Households under Locally Funded Project � Total Electrification Program� ang ilang lugar sa probinsiya ng Palawan ng 565 Portable PV Solar Home System. Katuwang ng DOE ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa pagpapatupad ng nasabing proyekto sa mga nasasakupan ng prangkisa ng kooperatiba.
Kasama sa mga mapagkakalooban ay ang mga benepisyaryo mula sa mga piling lugar gaya ng; Brgy. New Panggangan, Puerto Princesa na mayroong 105 tahanang mapapailawan at 130 naman sa Brgy. Marufinas; Tig-30 naman ang maibibigay sa Brgy. Caramay at Magara sa bayan ng Roxas; 30 rin sa Brgy. Caruray sa San Vicente; at tig-30 rin sa mga naninirahan sa Brgy. Barong-barong, Maasin, Mainit, Imulnod, Amas, Saraza, Salogon at Samare�ana sa bayan ng Brooke�s Point o mayroong kabuuang bilang na 565 Portable PV Home Solar System. Ang mga nasabing lugar ay sakop ng prangkisa ng PALECO na hindi pa naaabot ng linya.
Ang programang ito ng DOE ay ayon sa adhikain ng Pamahalaang Nasyonal na mapailawan ang mga malalayong lugar na hindi pa abot ng linya ng mga electric cooperatives upang maiangat ang pamumuhay ng mga residente .
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng PALECO ang mga Portable PV SHS units. Nakatakda ang pamamahagi nito sa mga benipersyayo simula ngayong Hunyo 8. Magsasagawa rin ng briefing o maiksing seminar ang Technical Team at representante mula sa Member Services Division � Institutional Services Department para sa tamang pag-install ng materyales sa kaniya-kaniyang tahanan.