Palawan Electric Cooperative

PALECO IN ACTION: HATID-TULONG SA OSPITAL NG PALAWAN

Ang pangangalaga sa kalusugan ay isa sa mga pangunahing adhikain ng Palawan Electric Cooperative (PALECO)—hindi lamang para sa mga miyembro nito, kundi maging para sa komunidad na patuloy nitong pinaglilingkuran. Kaya naman, bahagi ng mga programang isinusulong ng Kooperatiba sa ilalim ng corporate social responsibility ang mga inisyatibang naglalayong makatulong sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng karamdaman.
 
Noong ika-9 ng Setyembre, nagtungo ang Member Services Division (MSD), kasama ang mga kawani ng PALECO mula sa Principal Office, sa Ospital ng Palawan upang maghatid ng munting tulong at malasakit sa mga pasyenteng naka-confine sa Medical Ward (Non-Respiratory), gayundin sa kanilang mga bantay.
 
Namahagi ang mga kawani ng 55 sets ng personal care items na maaaring magamit ng mga pasyente at kanilang mga bantay habang sila ay nananatili sa ospital. Naghatid din ang grupo ng pagkain bilang karagdagang tulong at munting ginhawa sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.
 
Para sa PALECO, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa paghahatid ng kuryente. Higit sa lahat, ito ay naipapakita sa malasakit—sa pakikipagkapwa, pagtugon sa pangangailangan, at pag-abot ng tulong sa komunidad sa mga panahong higit itong kinakailangan.
 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com