POWER SITUATION UPDATE
August 8, 2026
Sa tulong nina Congressman Jose C. Alvarez na sya ring Chairman ng Committee on Energy sa Kongreso, Board Member Ryan D. Maminta na Chairman ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlalawigan at National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Mariano C. Almeda at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Atty. Francis N. Tolentino, ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) po ay nabigyan ng pahintulot na magpatuloy sa normal na operasyon.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamunuan ng Kooperatiba sa agarang tulong at suporta ng mga nabanggit na opisyal. Dahil dito ang mga lineworkers ng Palawan Electric Cooperative ay kasalukuyan nang nagsasagawa ng field operations upang agad na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng pagkawala ng kuryente at tigil-trabaho simula kahapon.
Matatandaang ipinalabas ang nasabing WSO kahapon, ika-7 ng Agosto, na agad namang hinarap at tinugunan ng Pamunuan ng Kooperatiba. Nagpatuloy ang pakikipag-ugnayan ng PALECO sa DOLE – MIMAROPA Region hanggang hatinggabi upang maresolba ang sitwasyon at matiyak ang agarang pagpapatuloy ng operasyon.
Patuloy ang PALECO sa pagtutok sa mabilis at ligtas na restoration ng power supply sa lahat ng mga apektadong lugar.
Hinihiling namin ang inyong patuloy na pang-unawa at pakikipagtulungan habang isinasagawa ang restoration activities.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta, mga Kamay-ari.
- Share to Facebook