PALECO IN ACTION
Ipinaalam ni Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), sa Committee on Energy ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, sa isinagawang pagpupulong noong ika-2 ng Hunyo, ang kahandaan ng Kooperatiba na magsilbing back-up power supply ng Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan
Ipinatawag ng nasabing Komite ang PALECO, kasama ang pamunuan ng PowerSource Philippines, Inc. (PSPI) at National Power Corporation (NPC), upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga waived area ng PALECO na kasalukuyang sinusuplayan ng kuryente ng PSPI. Humarap ang mga kinatawan ng mga nasabing ahensya kina Hon. Ryan D. Maminta, Chairperson ng Komite, Hon. Cherry Pie B. Acosta, Hon. Roseller “Toto” S. Pineda at Hon. Christopher Jake E. Tan.
Ibinahagi ni Engr. Contrivida ang mga hakbang na isinagawa ng Kooperatiba upang matulungan ang mga residente ng Barangay Port Barton. Muli rin niyang hinimok ang pamunuan ng PSPI na lagdaan na ang Memorandum of Agreement (MOA) upang maibalik sa lalong madaling panahon ang 24-oras na suplay ng kuryente sa nasabing barangay.
- Share to Facebook