Palawan Electric Cooperative

PALECO IN ACTION
Nagtungo ang mga kinatawan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) at Department of Education Schools Division of Palawan (DepEd-Palawan) sa mga munisipyo ng Cuyo at Agutaya, Palawan mula ika-26 hanggang ika-31 ng Mayo upang simulan ang paghahanda para sa pagpapatupad ng Solar PV System for Last Mile School (LMS) Program

Binisita ng grupo ang Caponayan National High School sa Cuyo, gayundin ang Matarawis Elementary School at Algeciras Elementary School sa Agutaya upang magsagawa ng validation ng bilang ng mga silid-aralan at tukuyin ang mga lokasyon para sa paglalagay ng solar PV walkway at Energy Storage System (ESS).
 
Ang tatlong (3) paaralan na ito ay kabilang sa unang batch ng 60 paaralan sa lalawigan ng Palawan at dalawa (2) sa Lungsod ng Puerto Princesa na napiling maging benepisyaryo ng LMS Program ng National Electrification Administration (NEA) at DepEd para sa taong 2026.
 
Layunin ng programa na mabigyan ng maaasahang suplay ng kuryente ang mga paaralang nasa liblib at hindi pa naaabot ng serbisyo ng elektripikasyon. Ipinatutupad ito sa buong bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng NEA, DepEd, at mga electric cooperative tulad ng PALECO upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa mga malalayong komunidad.
 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com