PALECO IN ACTION
Pinaunlakan ni Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), ang imbitasyon ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, na pinamumunuan ni Board Member Ryan D. Maminta, noong ika-1 ng Hunyo.
Kasama ang mga kawani mula sa Corporate Planning Department (CPD) at Institutional Services Department (ISD) ng Kooperatiba, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang aplikasyon ng PALECO para sa prangkisa nito sa Kongreso.
Napag-usapan din ang planong pagpapatupad ng super loop system sa mainland Palawan, gayundin ang mga teknikal na hakbang na isinasagawa ng Pamunuan ng PALECO upang maiayon ang distribution system ng Kooperatiba sa nasabing proyekto.
Samantala, ipinaabot din ni BM Maminta ang kaniyang pasasalamat at pagkilala sa agarang aksyon ng Pamunuan ng PALECO kaugnay ng sitwasyon sa Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan.
Nakatakda namang magsagawa ng isa pang pagpupulong kung saan ihaharap ng Pamunuan ng PALECO ang kalagayan ng Kooperatiba noon at ngayon, gayundin ang mga plano nito para sa hinaharap sa larangan ng institusyunal, pinansyal, at teknikal na pagpapatakbo.
“Tayo ay nagpapasalamat sa ating mga local leaders na handang makinig sa atin. Kinikilala natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa ating lokal na pamahalaan sapagkat iisa ang ating layunin—ang makapaghatid ng pinakamahusay na serbisyo sa ating mga member-consumer-owners na siya ring kanilang mga constituents,” ani ni Engr. Contrivida.
- Share to Facebook


